Miyerkules, Agosto 21, 2013

Ang buhay single try mo?

Single. Mag-isa pero masaya "daw" at kuntento "daw". May "daw" kasi malamig ngayon. Aminin, kapag malamig di hamak mas gusto mong may kayakap at kalambingan ka di ba?

Pero balik sa topic, bago tuluyang mapunta pa ko kung saan. Ang single kung ating bibigyan ng kahulugan ay isang nilalang (kawawang nilalang, chos!) na walang pananagutan sa isang tao sa aspeto ng pag-ibig. Sa madaling sabi, walang karelasyon.

Kapag single ka madalas madami kang oras, madami kang pera, madami kang kaibigan, madami kang gala, madami kang lakad, madami kang kompromiso sa kung sino-sino at kung ano-ano. Madami ka sa lahat na halos ng bagay, isa lang ang wala ka- jowa. Haha. Bitter lang.

Kapag single ka maganda ka, blooming ka, colorful ang iyong nails, plantsado polo mo, palangiti, masayahin at positibo ang tingin sa mundo at higit sa lahat malandi, este palakaibigan pala, yung ultimong kahit si Manong Guard sa school na may hitsura eh friend. Eh kasi nga, attention seeker itong mga nilalang na ito. Sila yung kelangan mong pansinin kasi nga walang lovelife na papansin sa kanila.

Kapag single ka ikaw ang sentro ng atraksyon ng lahat (pakiramdam mo pala). Akala mo lahat ng tao may crush sayo. Akala mo lahat ng lalaki liligawan ka. Akala mo lahat ng babae lihim kang pinagpapantasyahan. Pero wag kang mag-alala, normal yang mga sintomas na yan kapag single ka.

Sa kabila ng lahat, walang halong biro, ang pagiging single ay isang masayang yugto ng buhay pag-ibig (dahil single ako kaya relate dito, hehe).
Walang komplikasyon. Walang sabit. Walang hassle. Walang sakit ng ulo. Walang jowa eh haha.

Hindi minamadali ang umalis sa yugto na ito ng buhay. Kasi dapat ninamnam mo ito at dinadanas at pinapahalagahan. Kasi, paano ka magmamahal ng iba kung ang sarili mo nga di mo nagawa o magawang mahalin? Paano mo ibibigay sa isang tao ang sarili mo kung ikaw mismo hindi pa handa at hindi man lang naghanda? Paano mo ipapadama sa kanya ang pagmamahal kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo naranasang matigang sa pagmamahal? (joke)

Masayang maging single. Try mo?
Love, Brunette

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento