Huwebes, Enero 2, 2014

May naLIGAW



Okay, new year na. New lovelife na ba?
Nagdadalaga ako kasi may nambobola na sa lola nyo. Alam mo yung feel na feel mo na ang ganda mo at ang sexy mo na parang artistahin ang dating mo kung bolahin ka ng manliligaw mo.
Pero teka lang, “we’re just friends!” Di ko pa kaya sya hinahayaan manligaw saken, kasi naman I am still waiting for a sign. Yep! Yep! Hooray, you heard it right, di pa ako nagpapaligaw formally, kasi naghihintay ako ng sign from the heavens above kung ito na ba ang tamang panahon para magpaligaw na ako at in the process magkaroon na din ng boyfriend. (Ligaw pa lang, boyfriend agad ako excited lang ang kire!)
Well anyway, I might sound conservative and sooo old-fashioned kasi may pasign-sign pa ako pero naman, I waited a lot tapos magkakamali pa ako, gusto ko sure ball na kung mag-go sign man ako di ba. Tingin ko naman deserve ko ang someone who can make me feel special and who can love me like he is the one talaga.
Alam nyo mga sissies, ganoon talaga. Learn to treasure yourselves. Love and respect ourselves before we let a man enter into our lives. Kelangan buo ka muna bago ka magbigay. At mas lalo kelangan maging sigurista ka din noh! Parte yan ng buhay nating mga girls, we have to play with those guys. Mamili! Wag oo n goo lang. Magtimpi! Wag go lang ng go. Wag yes ng yes. Learn to get hold of yourself kahit kilig na kilig na, naku pigilan mo yang ngiti mo. Magmaganda! Aba, we are all beautiful. We deserve to be pampered at babied at indulged. Naman! We are prize, trophies, rewards…better let them earn our love, our interest and our attention.
Kaya yang mga lessons na yan inaapply ko ngayon saken. :D  
I wanted to be sure with the guy and with myself din syempre.
Until then… ciao!

Isa nalang natira saken. Kinain na ng lahat tao huhu.