Martes, Agosto 14, 2012


 

Single ka ba? O feeling syota si Brad Pitt? May syotang tao? O Syota ng bayan? O di kaya may syotang poser? May asawa? O Kabit sa may asawa? O nangibang bahay ang asawa? Pwede ding nilason ang asawa? 

Ang dami talagang kategorya pagdating sa pag-ibig. Bukod pa yan sa mataba, payat, butiki, baboy. Kesahodang pandak ka o ala kawayan ang tindig. Sigurado ako na meron kang status sa iyong lovelife at meron say yan sa facebook mo.

Ito kasi ata ang universal topic sa mundo na lahat makakarelate. Kahit babae ka, lalake, tomboy o bakla, bawat isa sa atin merong sariling kwento ng buhay pagibig. Sawi man yan, masaya, happy ending o yung pang telenovela, o di kaya pang no other woman ang tema ng istorya mo, meron at meron yan. Minsan nga lamang pa ng panget ang lovelife ng pogi at maganda eh, sabi nila sa appeal daw kasi yun. Whatever sabi ko naman. Bitter, wala kasing appeal.

Ginawa ko tong blog na ito upang kahit paano ay magkaroon ako ng freedom wall ba. Kasi naman, single ang lola mo kaya madami akong saloobin sa iba’t ibang bagay tungkol sa pag-ibig. Tulad nyo madalas sa hindi bitter, minsan naman agree lang, minsan naman kontra bulate. Mga isipin tungkol sa pagibig ang nais kong ibahagi dito. Mga totoong kwento na sa tingin ko lahat pwedeng kumonek, parang blue tooth lang at hindi tulad  ng wifi ng kapit bahay nyo na may password.

Kaya bira lang ng bira, malay nyo maifeature ko na pala kayo dito at mabigyan ng komentong wagas at totoo. 

Hanggang sa muli, ang bruhilda nyong love guru.  
Love brunette.